Let us please give credit to the original composer Cecilio Nicasio and lyricist Guadalupe Tolentino-Sto. Domingo who have both passed beyond the Great Divide. By Ante Villarica. - 5/30/08
Mindoro song....
O MINDORO
O Mindoro lalawigang pinagpala
Ng kamay ng kalikasa't ni Bathala
Sa buhay mo'y napisan ng lahat yata
Ang ganda at katangiang pambihira.
Sa puso mo'y may puri ka't karangalan
Sa dibdib mo'y may giting ka't katapangan
Sa ulo mo'y may talino't karunungan
May wika ka, bisig, ganda't kayamanan.
Kaya naman lalawigan sakdal ganda
Ika'y aking hahangaan sa tuwina
Tutulaan ng tula ko ng pagsamba
Aawitan ng awit ko ng pagsinta.
Kaya naman lalawigan sinisinta
Ika'y aking mamahalin sa tuwina
Sisikaping umunlad ka at lumigaya
Habang ako'y may buhay pa at hininga.
|